|
Sinundo namin ang kaibigan niyang si Ambrosio (tinagalog na pangalan) dahil nais niyang makisabay sa pag punta sa school sa Surrey. Mabait naman si Ambrosio. Unang pagkakataon ko siyang makausap nun. Sana naman ngayon, di niya na ako husgahan. Siguro naman hindi niya na gawain yun... yung ibang mga kaibigan na lang ng asawa ko, este, ng best friend ko ang gumagawa nun. Napupundi na nga siya eh. Mga p*tanginang walang magawa sa mga buhay nila kundi ang manira at mang-asar ng ibang tao. Kaya nagkakalamat ang relasyon namin eh. Pagtapos sa paaralan ay nagtungo kami sa bahay ko. Apparently, babalik pala ako ng Richmond dahil dun ako ulit pinatutulog upang samahan si Cherie. Habang inaayos ko ang mga gamit at iilang issue sa bahay, nakipag laro siya kay Grifith ng basketball. Natalo nga siya dito. Ahahaha! Natuwa ako kasi napaka laki ng malasakit niya sa pamilya ko, lalo na kay Grifith. Nung paalis na kami, inuhaw siya at humingi ng maiinom na soda. Eh wala kaming maliliit. So dinala ko yung 2 Litro! ahahha! Nagdala nalang ako ng tumbler na puno ng ice. Nagustohan naman niya. Palibhasa uhaw, at dahil soft drinks yun. Bumalik na kami sa Richmond nang kaming 2 lang dahil na sa meeting si Ambrosio. Nauhaw rin ako sa kakakain ng mga bagay bagay na dala ko. Ahahahha! So nag share na lang kami ng baso. In fairness, di naman siya nailang or nandiri or what. Pagtapos kong inuman ang baso, ininuman niya rin ulit, paulit-ulit pa nga. Tinanong ko siya bago niya inuman ang baso kung maselan ba siya, gaya ko dati bago mag college. Sabi niya oo daw dati, pero ok na daw. Grabe, naka ilang refill ako dun sa basong iyon ahahahaha! Marami rin kaming pinag-usapan habang kami'y nasa kotse... kabilang na dun ang imposibleng mangyari na maging kami o na may mamagitan sa amin. Nagtungo kami sa isang park malapit sa condo ng aking tita para mag lakad-lakad. Maganda ang park. Bago lang. Sabi ko picture kami kasi ang huling picture namin was October pa! Kailangan nang palitan. Ayaw niya. Huhuhuhu! Ewan ko ba kung bakit. Siguro kasi nakita niya na nasa friendster ang mga pictures namin. Sabi niya kasi wag daw ilalagay sa facebook. Eh di naman niya sinabi na wag ilagay sa friendster di ba? AHAHAHHA! After that, dumeretso kami ng library sa Minoru dahil naiihi na ako at walang banyo sa park. Bago nga lang kasi. Hinintay niya ako sa kotse. Medyo nagmamadali nga siya kasi may gagawin pa siyang mga assignment at project na due Tuesday. Buti nga siya due Tuesday eh, ako Sunday!!! Kukunin ko dapat ang susi sa bahay ng tita ko para dun na niya ako i-drop off. Di sinasagot ng auntie ko ang phone... natutulog pala. Tumawag naman siya after a few mins... to cut it short, he decided na hintayin na lang namin si Cherie para sunduin sa lifeguarding niya sa Minoru at sabay na kaming umuwi sa condo. Kinuha muna namin ang susi sa tita ko bago bumalik ng Minoru. Nais daw niyang umakyat sa condo mamayamaya para makita ang histura nito. Nung na sa amin na si Cherie, grabe, click ang dalawa. It's not the first time they've talked. Pero as in! Parang ako pa yata yung na OP. AHAHHA! Pero I don't mind. When we got home, nagyaya siyang mag bubble tea raw kami. Kasama si Grif, nagpunta kami dun sa kung saan nagbebenta sila ng 1000cc na inumin na may sago! grabe! Ang laki!! Hit kasi yun dito. Addik ang mga tao. Ahahahha! After that, dahil kailangan ni Cherie ng whistle, nagpunta kaming Daiso at Richmond Centre para maghanap nun. He spent an additional 2 hours with us, imbis na umuwi at mag home work. Natuwa ako kasi pinahahalagahan niya talaga ang pamilya ko. Sobrang na touch ako kasi wala pang naging ganyan sa pamilya ko talaga except for Newt, Ate Pri-Ann, and of course, my best friend for 8 years, Erica. He cares for me and my family a lot, and that just melted my heart. Hindi mahalaga sa akin ang hitsura niya, kung may pera siya o wala.... kung matalino siya o hindi... none of that matters. Ang mahalaga sa akin ay siya si Densio (tinagalog na pangalan). Yung turingan namin kanina habang na sa kotse kami't nasa park.... nung kaming 2 lang... haha.... grabe.... parang kami. Sobrang na tempt ako na hawakan ang kanyang mga kamay... pero di pwede. Tiis, syempre. Best friend ko lang siya dito sa Canada. Hindi ito dapat lagyan ng malisya. Although nananalangin pa rin ako na sana, mahalin niya rin ako. Kanina, may question ako sa kanya... tinanong ko kung anong impact kaya ng pagkawala ko sa buhay niya. Nag taka siya, in what way daw. Sabi ko kung kunwari'y umuwi ako ng pinas at di na siya kinausap muli... o di kaya'y ako'y namatay. Ang sinabi lang niya sa akin ay, if ever daw na mangyari yun, mas gugustuhin niya ang first option. Mas tanggap niya kaysa mamatay daw ako. Masyado raw akong bata at marami pang dapat gawin sa buhay para mamatay. (nakakatanga, ang haba na pala nitong sinusulat ko) Sana matanggap rin ako ng pamilya niya't ng mga kaibigan niya. Alam kong tanggap ako nung ilan. Natutuwa nga sila sa akin. Bakit daw di raw kami mag date? Ahahaha! Napaka gandang hirit! Ang sagot naman niiya'y dahil may iba raw siyang gusto. Sabi ni Cherie, ni mama't ni Auntie Tina, wag ko daw itulak siyang palayo sa pag pupursigi ko sa pag kakaroon ng isang romantic relationship sa kanya. Masyado siyang precious para mawala sa akin. Totoo. di ko kakayanin kung mawawala siya sa buhay ko. parte na siya ng buhay ko... He's part of my family now. My family said so, too. They love him. Ahahhaha! Kung wari'y naging babae lang ako... iba siguro ang kalalabasan ng mga pangyayari. I know, dahil sinabi niya rin ito dati sa akin. Sayang. Pero at least he's still my best friend... he's still here with me through our ups and downs. Ang tanong ay.... kaya ko ba - na hindi siya mahalin? Na hindi mag selos (kahit na enjoy na enjoy siyang nakikita akong nagseselos. Sabi niya ginagwa lang daw niya yun para mawala ang pag-gusto ko sa kanya)? Na hindi siya pahalagahan ng higit pa sa sarili ko minsan? Mahirap... pero susubukin kong gawin... para maisalba ang aming pagkakaibigan... Mahal ko siya... always have and always will. Maaaring mawala ang romantic na pag-ibig ko sa kanya (which i doubt na mangyayari anytime soon), pero lagi siyang magiging parte ng buhay ko. I'll always be there for him, no matter what. I'll prove his doubts about me wrong someday. Ang relationship namin, halos perfect na sana. Ang pagmalasakit at pagpapahalaga niya sa pamilya ko, ang concern ko sa pamilya niya't mga kaibigan... at lalong lalo na sa isa't isa. Maybe.... if only..... but this world is not a world of maybe's and if's... this is the way it is... this is the way I am... sana lang matutunan niya akong ma-overlook ang physical at mahalin nang base sa kanyang puso. *sigh* Pero hindi mahalaga kung mahalin niya ako o hindi... ang mahala ay mahal ko siya't napapakita't napadarama ko ito sa kanya nang hindi siya naiilang. Tama na sa akin ang to be there for him through everything - the best, the worst, and what not. Tama na sa akin ang he cares for me and my family a lot... Although I would like to meet his family rin soon. I want to care for them and be there for them, as I am with him... as he is with my family. Syempre halo-halong tagalog at Ingles ang blog ko, nakakatanga. Ginawa ko ngang ganito para di nila maintindihan eh. Mga kaibigan.... anong dapat kong gawin? Nakakaleche kasi, wala dito si Erica. Kugn nandito siya eh di nagawan na ng stratehiya! Nakakaputa. Ahahahah! BES! Saklolo naman dyan! |
| Pri-Ann March 9, 2008 10:00 PM PDT so kailangan tagalog?! wahahaha! Mahal kong kaibigan, ako ay nangungulila na sa iyo at nag-aalala! Nawa'y ikaw ay gumaling sa iyong karamdaman. Patnubayan ka nawa ng Panginoon! ;) | ||
| R-AIZA dawg! March 8, 2008 07:43 PM PST so i'm at work right now slacking,,,i'll try to read this..hah omg hard core tagalog much! | ||
| R-AIZA dawg! March 8, 2008 07:43 PM PST so i'm at work right now slacking,,,i'll try to read this..hah omg hard core tagalog much! | ||
| Leave a Comment: |